Ipipiit sa Bureau of Immigration (BI) Detention Facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City ang 15 hindi dokumentadong dayuhang naharang ng mga tagapagpatupad ng batas sa Tawi-Tawi noong Setyembre 1, 2024.
Walong Chinese at 7 Malaysians ang pumasok sa teritoryo ng Pilipinas sakay ng dalawang speedboats.
Naharang ang mga ito ng pinagsamang puwersa ng Maritime Industry Authority (MARINA), Philippine Navy (PN), at Philippine Army (PA) habang sila ay nagsasagawa ng pagpapatrulya sa karagatan ng Tawi-Tawi.
"We received information from the patrolling agencies that those arrested have been transported to Bongao for processing," ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco na tiniyak na mapapatapon pabalik ng kanilang bansa at iba-blacklist din sa bansa ang 15 ilegal na dayuhan
Sa pagberipika sa centralized database ng BI, nakumpirma na ang mga naarestong dayuhan ay ilegal na nakapasok sa bansa dahil wala silang record of entry.
Naniniwala si Tansingco na pumasok ng ilegal sa Pilipinas ang mga dayuhan para makapagtrabaho rito.
(Larawan mula sa Bureau of Immigration)
Walong Chinese at 7 Malaysians, Ilegal na Pumasok sa Bansa Mula sa Tawi-Tawi; Ipapatapon ng BI | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: