Rape ang kaso ng isang lalaking Top 3 Most Wanted Person sa Taguig City Police na naaresto noong gabi ng Hunyo 7, 2024 sa Barangay Rizal, Taguig City.

Sinilbihan ng warrant of arrest si alyas Dan ng mga tauhan ng Taguig City Police at Makati City Police bandang alas 7:45 ng gabi sa Barangay Rizal.

News Image #1


Ang kaso ni Dan ay Rape by Sexual Assault na paglabag sa Article 266-A Paragraph 2 ng Revised Penal Code na inamiyendahan ng Republic Act. 8353, at inamiyendahan pa ng RA 11648.

Ang warrant of arrest ay ipinalabas ni Honorable Robert Victor Consunji Marcon, Presiding Judge, Family Court, Branch 3, ng Makati City, na nakalista sa Criminal No.R-MKT-24-00853-CR, at inisyu noong Mayo 16, 2014.

Ang akusado ay nasa piitan na ng Southern Police District.

(Larawan mula sa SPD)