Ang mga estudyante ng West Rembo Elementary School ang kakatawan sa Pilipinas sa isasagawang VEX International Robotics Competition sa Dallas, Texas, Estados Unidos.
Nakuha ng Team A ng West Rembo Elementary School na kinabibilangan nina Zyric Abines, Andrew Lejarso, Cassandra Elyze Cruz at Rio Pauline Dames ang championship title, sa tulong ng kanilang trainers na sina Richard Abines at Gerry Sabangan, sa isinagawang Philippine VEX Robotics Competition National Championship sa Xavier School sa San Juan City noong Pebrero 17, 2024.
(Larawan mula sa Taguig PIO)
Ang Pitogo High School TEAM A naman ang namayani bilang Team Work Challenge Champion at nakuha rin ang ikalawang puwesto sa Robotic Skills Challenge.
Ang Team A ay kinabibilangan nina Princess Chloe Ferrer, John Andrei Cabebe, Eduard Lohan Talosig at Ericson Michael Gida II, na sinanay naman nina Florante Ferrer at Roy Cabebe.
Nakamit naman ng Team B ng Pitogo High School ang ikalawang puwesto sa Team Work Challenge at ikatlong puwesto sa Robotics Skills Challenge.
Ang Team B ay kinabibilangan nina Maria Kasandra Dave Baltazar, Jay Marc Altair Furigay, Jezzie Deed Froy Plaza at John Cyril Esmas, na sinanay naman nina Florante Ferrer at Roy Cabebe.
(Larawan mula sa Taguig PIO)
Samantala, ang Makati Science High School Team A ang nakakuha ng ikalawang puwesto sa Team Work Challenge, na kinabibilangan nina Reign Aljean Somera, Zander Michael Reyes, Alonso John Abanto, Rafael Padayao, Cielo Yvonne Sawit at Mary Love Cruto.
Ang Team B ng Makati Science High School ang nakakuha ng ikatlong puwesto sa Team Work Challenge, kung saan ang mga miyembro nito ay sina Sandrinne Christina Pacifico, Yvan Angelo Arabit, Angelo Ermino at Prinz Marquez.
Nakuha rin nila ang special Innovate Award at Judges' Award, sa ilalim ng pagsasanay ni Eman Vidallo.
(Larawan mula sa Taguig PIO)
Binati ni Taguig City Mayor Lani Cayetano ang mga mahuhusay na estudyante ng Taguig City.
Ang VEX Robotics Competition ay isinasagawa taun-taon upang makita ang kahusayan ng mga estudyante sa science at engineering.
(Screenshot mula sa VEX website)
West Rembo Elementary School Students, Kakatawanin ang Pilipinas sa VEX International Robotics Competition sa Texas | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: