Sapat na pinansiyal na tulong ang ibinigay ng pamahalaang lungsod ng Taguig sa 4 na estudyante ng West Rembo Elementary School kasama ang 5 pang miyembro ng kanilang team na kalahok sa 2024 VEX Robotics World Championship sa Dallas, Texas.
(Larawan mula sa Taguig PIO)
Bago lumipad patungong Estados Unidos, nakipagkita kay Taguig City Mayor Lani Cayetano ang mga estudyante kasama ang kanilang mga coaches, school principal at mga magulang.
"Taguig's commitment to education is stronger than ever, especially with the addition of the schools in the EMBO barangays. Our investment in our youth's education continues to pay off with students winning and bringing home national and international recognition in mathematics, science, technology, robotics, journalism, and research," ang pahayag ni Cayetano nang nakipagkita sa kanya ang mga kakatawan sa Pilipinas sa pandaigdigang kumpetisyon sa robotics.
(larawan mula sa Taguig PIO)
Kabilang sa mga kalahok sa Vex Robotics World Championships ay sina Zyric Abines, Cassandra Elyze Cruz, Rio Dames, at Andrew Lejarso.
Nagpasalamat naman si
West Rembo Elementary School principal Alma Adona para sa tulong na ibinigay ng pamahalaang lungsod.
Ang West Rembo Elementary School ang nagwagi sa Vex Robotics local championships na isinagawa noong Pebrero 17, 2024. Ang trainers ng mga estudyante ay sina Richard Abines at Gerry Sabangan.
(Larawan mula sa DepEd-Taguig Pateros)
Ang Vex World Championships ay isinasagawa ngayon hanggang Mayo 3, 2024 sa Kay Bailey Hutchison Convention Center sa Dallas, Texas.
Mapapanood ito ng live sa link na ito:
https://www.vexworlds.tv/#/channels/all
Tiniyak ng pamahalaang lungsod ng Taguig na buo ang suporta nito sa robotics team ng lungsod na kinabibilangan din ng mga estudyante sa iba't ibang pampublikong eskwelahan sa Taguig tulad ng Sen. Renato Compañero Cayetano Memorial Science and Technology High School, Taguig Integrated School, at R.P. Cruz Elementary School, na nakapaguwi na rin ng karangan sa mga pandaigdigang kumpetisyon sa Thailand, Taiwan, at Germany.
Ayonsa pamahalaang lungsod ng Taguig, ngayong nasa hurisdiksyon na nila ang mga pampublikong paaralan sa EMBO (enlisted men's barrio) barangays, ganoon din ang kanilang ibinibigay na suporta sa mga ito.
Humigit kumulang sa 200, 000 ang mga estudyante sa pampublikong paaralan sa EMBO.
West Rembo Elementary School Students na Kalahok sa Vex Robotics World Championship, Binigyan ng Sapat na Suporta ng Taguig City Government | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: