Habang natutulog ang ilang mga may-ari ng. GCash accounts, nalimas ang kanilang mga iniingatang pera nang hindi nila nalalaman kaninang madaling araw, Nobyembre 9, 2024.

Isa sa mga nag-ulat na nawalan ng mahigit ₱80, 000 sa kanyang GCash account ang komedyanteng si Pokwang.

News Image #1

(Mula sa Facebook Account ni Pokwang)

Sa kanyang post sa kanyang social media account na may larawan niya na umiiyak, sinabi nitong walang sinend na OTP kaya't walang warning na may nagwi-withdraw na ng tig-dadalawang libong piso sa kanyang GCash account kaninang madaling araw.

News Image #2

(larawan mula sa Facebook Account ni Pokwang)

"Earlier, 14k was gone from our account, No OTP sent to us. No warning at all. I believe this is an inside job based on how easily they accessed everybody's account. Hundreds of people have
experienced this today. Already reported it using the app and will try calling helpdesk later," ayon kay Polwang.

News Image #3

(Larawan mula sa FB account ni Pokwang)

Ayon naman sa isang negosyante, nawalan siya ng ₱32, 000 na wala namang kini-click na link:

"Lost 32k while sleeping, calling out GCash, Today Nov. 9, 2024 around 5:42AM nakuhaan ng 32,000 ang Gcash Account ko with all Ang Pao Transaction that I did not authorized, It was an unauthorized transaction, and within just minutes lost almost all the money in my gcash account. I already Submit a ticket and have yet to call their gcash hotline because they only accept calls from 8am-5pm.
This is a warning to pull out all your money now in your gcash account."

News Image #4

(Larawan mula sa FB account ni Angel)

Isa ring mamamahayag ang nawalan ng ₱16, 000 sa kanyang GCash sa isang iglap.

"Grabe nalimas ang GCash worth 16 Thousand pesos na pambayad ko ng bills. Nangyari ang paglimas kaninang madaling araw.Tumira sila habang tulog Ako. Lumaban naman kayo ng parehas."

News Image #5

(Larawan mula sa FB account ni BL)

Ayon sa nakalap ng Taguig.com na impormasyon, iniimbestigahan na ito ng pamunuan ng GCash at maglalabas sila ng kanilang pahayag sa lalong madaling panahon.