Halos apat na oras makalipas ang malakas na pagyanig sa Southern Leyte, isa ring lindol na umabot ang magnitude sa 6.1 ang naranasan sa Siocon, Zamboanga del Norte kaninang alas 11:41 ng umaga, Enero 23, 2025.

News Image #1

(Larawan ng PHIVOLCS)

Ipinag-utos ng mga lokal na opisyal ng Zamboanga City at iba pang bahagi ng Zamboanga Peninsula ang kanselasyon ng klase sa hapon makalipas ang malakas na pagyanig na naramdaman sa Intensity IV sa Zamboanga City.

Ang lalim ng lindol ay nasa 32 kilometro, at dahil sa lakas nito, napatakbo palabas ng mga gusali ang mga mamamayan.

Narito ang mga iniulat na naramdamang lakas ng pagyanig sa iba't ibang lugar sa Zamboanga Peninsula:

Intensity V - Siocon, ZAMBOANGA DEL NORTE; Ipil, ZAMBOANGA SIBUGAY; CITY OF ISABELA
Intensity IV - CITY OF ZAMBOANGA; Sibuco, ZAMBOANGA DEL NORTE; Dimataling, ZAMBOANGA DEL SUR; Alicia, ZAMBOANGA SIBUGAY
Intensity III - City of Dipolog at President Manuel A. Roxas, ZAMBOANGA DEL NORTE; Buug at Siay, ZAMBOANGA SIBUGAY
Intensity II - San Jose, ANTIQUE; City of Himamaylan, NEGROS OCCIDENTAL; Molave, ZAMBOANGA DEL SUR
Intensity I - City of Kabankalan, NEGROS OCCIDENTAL

Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na ang lindol ay tectonic ang pinagmulan.

Inaalam pa ang kung may mga nasaktan at kung may nasira sa naturang pagyanig, tulad ng nangyari kaninang alas 7:39 ng umaga sa San Francisco, Southern Leyte kung saan tinaman naman ito ng 5.9 magnitude na lindol.

News Image #2


News Image #3

(Larawan ni Ranulfo Docdocan)